Pages

Monday, January 7, 2013

The Book Thief by Markus Zusak

HELLO MGA BATA!!!!!


Sa totoo lang hindi talaga ako book-worm (mukha lang akong uod ganyan) as in wala akong hilig magbasa ng mga libro... Feeling ko kasi nakakatamad basahin pagnakakakita ako ng 200-400 pages na libro .... At lalo na yung may malalalim na English na nakakapagpadugo sa apat na sulok ng utak, ilong at lapay ko...






(The Hobbit ni J.R.R. Tolkien- isa sa mga librong tinigilan kong basahin.... 3/4 na ng book ang nabasa ko kahit di ko na masyadong maintindihan.... di kinaya ni oxford and meriam-webster dictionary ang malalalim na english dito kaya tumigil ako sa pagpepretend na nagsi-sink in sa akin lahat lahat ng binabasa ko.....)




So pili-pili din si ako ng librong pwedeng maarok ng aking limitadong utak....





AT HETO NGA SYA!!!!!!!!
*DYARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN*






(Since may "thief" sa title feeling ko makakarelate ako.... dati kasi akong klepto... malikot ang kamay... mahilig mambulsa ng kung anek-anek kaya pwesto agad si ako para maumpisahan ang book.)






BIDANG BAGETS NA GIYEL: Nine-year-old girl named Liesel Meminger
SETTING: Molching, Germany
World War II , Nazi Germany Era.


                                                  (Heil Hitler kemeruth na siesta)






(ang bida ng wento..ang pasweet ngunit iliteradang si Liesel Meminger na may pagka-klepto nga.)



Umpisa pa lang ng kwento eh talagang magkakaroon ka na ng interest na tapusin ang buong libro....

Si Liesel at ang kanyang nakababatang jupatid na lalaki ay desididong ipaaampon ng kanilang Ina sa isang mag-asawang nakabase sa Molching Germany...
Sa biyahe pa lang namatay si jupatid sa loob mismo ng treyn... ang dahilan? Sobrang lamig ng panawon at sa sobrang gutom....


Nailibing si jupatid sa isang simpleng seremonyas....

After ng Grand coffee party naiwan si Liesel sa tabi ng puntod ng kanyang jupatid at very lite na nag-emote.... Hanggang sa may mapansin syang isang munting libro.....
Ginetlak ni Liesel si libro, ibinulsa at itinago sa kanyang pag-iingat....
Ang problema... hindi marunong magsulat at magbasa si Liesel.....


DITO IIKOT ANG BUONG KWENTO.....



Tuturuan syang magbasa ng kangyang foster dad..... Umpisa sa librong napulot nya sa sementeryo.... Hanggang sa pinag-aral ang bidang giyel para matuto syang makapagsulat at makapagbasa.....




(si Liesel at ang kanyang foster dad na si Hans Hubermann during their reading session)







And since nakahiligan nya ang pagbabasa dito na magsisimula ang pagkahilig nya sa libro..... Hence the title "The Book Thief"....




Mula sa mga librong sinunog (na ang ilan ay pwede pang pagtiyagaang basahin) ng mga Nazi Officials hanggang sa mga libro ng library ng asawa ng kanilang town mayor eh iiral ang pagka klepto ni bidang giyel.....




(si Liesel at ang asawa ng mayor na si Ilsa Hermann.... infairness.. naging suki si Liesel ni Ilsa sa pagiging mangnenenok ng libro sa library mismo ng mga Hermanns...at tinolerate naman talaga ni Ilsa ang paggiging malikot na kamay ni Liesel).




Maganda ang The Book Thief dahil mabilis ang phasing ng story.... yung tipong hindi ka mababagot na "sana pakenambits next chapter na dahil nauumay na ako sa chapter na binabasa ko" mga ganyang peg.

*Maghanda ng tissue sa inyong tabi dahil I'm sure eh talagang mapapaiyak kayo sa mga eksena*








AT DAHIL JAN.. SA INYO KO IIWAN ANG MGA KATANUNGAN KUNG ANU-ANO ANG CONNECTIONS NG BAWAT CHARACTERS SA BUHAY NG ATING BIDANG GIYEL....





*SI RUDY STEINER








*Si Max Vandenburg








*ANG MAG-ASAWANG HANS AND ROSA HUBERMANN







*SI ILSA HERMANN
 












*ANG ACCORDION


 NOTE: KAKAIBA ANG NARRATOR NG BOOK NA ITO.....

SYA AY WALANG IBA KUNGDI SI....